- My apologies to all the non Filipino Forum readers for posting a poem that is in Filipino (language of the Philippinees), I hope you understand that sometimes we best express ourselves in our own mother tongue. To all my UN kababayans in the Philippines and all over the world, this one is for all of you.
- PAALAM
- by Lavanders_blue
- Pasensya na
- Pero siguro ganon talaga
- Walang may kasalanan
- Hindi nagsisisihan
- Walang may pagkukulang
- Sadyang nagbago lamang
- Di gaya ng dati ang mga bagay-bagay
- Nag-iba na nga ang ating buhay
- Nakakalungkot
- Nakakayamot
- Nakakapanghinayang
- Pero dapat tanggapin na lamang
- Sa madaling hinaharap; baka sakali
- Malapit na ugnayan mabuong muli
- Sa ngayon siguro dapat na lang hayaan
- Kung ano ang mayroon sa pangkasalukuyan
- Nandito lang tayo
- Bagaman pisikal na malayo
- Pinagdarasal ang kaayusan
- Kaginhawahan
- Kasaganaan
- Maaliwalas na isipan
- Magandang kinabukasan
- Sa buhay ng bawat isa sa atin
- Respeto, pagpapahalaga panatiliin
- Sa ngayon paalam kaibigan
- Batid ko ang iyong kaligayahan.
^ Ang malungkot na realidad :( this is a sad wonderful piece lav, this hit me real hard, "memories" nalang :(
Love can make one change, but one can also change respectively over time which is independent to love. Life commitments, peers, anything can potentially impact one's relationship; and it's no one's fault either. But we are forced to accept the bitter end. Trully marvellous Lav! Cheers!
Di gaya ng dati ang mga bagay-bagay
Nag-iba na nga ang ating buhay
this is sad truth :(